|
|
|
|
| |
|
|
January 31, 2009
|
|
|
Holiday 2008 Part III
|
|
|
Last December we not only celebrated the birth of Christ but also the birthday of our dear sister Cathy (CFC) and JM (Sis Berns and Bro Jomer's cute son).
Cathy's Birthday. Lots and lots of food for sis cathy's birthday. The night before her birthday we went to Makansutra City Hall to celebrate her special day. We did enjoy our dinner. "Kuwentuhan" until midnight. The next day we went to their place for our Christmas presentation practice. We brought cake and they cooked pansit. It's a two-day celebration hehe.
JM's 1st Birthday. The next day after Sis Cath's birthday was JM's 1st Birthday. I wasn't able to eat that day since I felt so sick though I enjoyed the magic show. I guess everybody did.
|
|
|
|
|
|
|
January 31, 2009
|
|
|
Holiday 2008 Part II
|
|
|
Simbang Gabi. Tulad sa Pilipinas naging tradisyon na rin dito sa Singapore ang pagkakaroon ng Simbang gabi. Siyam na gabing nagsasama-sama ang halos lahat ng Pilipino dito sa Singapore upang ipagdiwang ang nalalapit na kapanakan ni Hesus. Siyam na parokya ang pinupuntahan ng mga Pilipino kung saan ginaganap ito. Malayo man sa Pilipinas ay hindi lubos na madarama ang kalungkutan dahil sa dami nang Pilipinong nagbubuklod-buklod upang ipagdiwang ang Pasko. Dito sa Singapore pagkatapos ng misa ang lahat ay nagsasalo-salo sa pagkaing inihanda ng bawat parokya. Masaya ang lahat dahil bukod sa libre ito at masarap ay sama-sama ang magkakaibigan at pamilya na kumakain.
Sa halos apat na taon namin dito sa Singapore ay palagi kaming nakikiisa sa Simbang gabi. Taon-taon ay pinipilit naming mabuo ito. Ngayong taon dahil sa dami ng trabaho ni Deoff hindi nya na ito nakumpleto. Makahulugan ang simbang gabi 2008 sa amin dahil kahit na sa simpleng paraan ay nakapaglingkod kami sa aming parokya. Naging "warden" ako sa gabing iyon at kami ng mga kasama ko sa CFC ay nagluto ng pansit pangdagdag sa kakainin pagkatapos ng misa. Masarap ang pakiramdam na nakakapaglingkod ka sa simbahan kahit sa simpleng paraan kaya ito ang simbang gabi na hindi namin makakalimutan.
Arozcaldo ni Father Angel. Tuwing Simbang Gabi ay inaabangan ng lahat ang arozcaldo ni Father. Syempre hindi naman si Father ang nagluto nun kundi ang mga taga-luto nya sa kanyang Parokya. Nakakatuwa nga kasi kung iisipin mo e madali lang naman magluto ng arozcaldo/lugaw pero ayun at nakikisiksik ang lahat at pumipila ng pagkahaba-haba makakuha lang ng arozcaldo ni Father. Masarap naman talaga. Sabi nga ni Father e iyan ang "magic" ng simbang gabi haha. Taob ang kaldero gabi-gabi.
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|